My Brothers and sisters..
Lima kami magkakapatid.. To give you an idea kung ano mga personality nila, iisa isahin ko sila..
1) Panganay na Lalaki
Sa lahat ng mga kapatid ko sya ang pinaka responsable, maalaga, at maraming alam. Madalas nakakaasar pero para sa akin okay lang. Ganun sya pinalaki ng parents namin e. Ang maging ama habang nagwowork si daddy sa barko. Ngayon wala na si daddy, sya na ang tumatayong pinaka mataas na lalaki sa aming pamilya. Sya nagpaaral sakin ng college. Alam kong napakahirap ng dinanas nya para mapagaral ako. kaya yun.. malaki ang respeto ko sa kanya.
2) Panganay sa dalawang babae.
Sa lahat ng mga kapatid ko.. sya yung ka close ko.. ang parati kong takbuhan kahiy nung bata pa ako. Ewan ko kung bakit at pano kami naging close pero masaya ako na kahit papano meron ako napapagsabihan ng problema sa pamilya. Sya lang ang katangi tanging nakakaintindi sa ugali ko. Sya rin nga parati ko pinakikinggan. Kasi kilala nya ako at alam kong ikabubuti ko pag tinupad ko mga payo nya.
3) Lalaki
Sya yung madalas di ko kasundo. Parati nya nakikita mga mali ko. wala syang ibang pinapansin kundi ang mga maling ginagawa ko. wala syang ibang ginawa kundi magsermo. Ang taong pakiramdam nya na sya ang nagdadala ng lahat ng responsibilidad sa pamilya at sa mundo. Ang taong laging isinisisi sa iba ang nangyari sa kanya na sya naman mismo ang pumili ng buhay na meron sya. Ang taong feeling ko tumatanda ang edad pero hindi nagiging mature magisip.
4) Ako, mister misunderstood
Parati akong mali sa paningin ng nakararami. basta ako ang nagkamali madami na sila nasasabi. Feeling ko. ako ang nagmana ng depression sa pamilya. I attempted to end my life several times yet unsuccessful. Tinitiis ko na lang ang lahat ngayon at ipinagpapasa diyos na lang lahat ng problema.
5) Bunsong babae.
Paborito ng lahat. Spoiled sya sa mga taong nasa paligid nya. Lahat ng gustuhin nung bata pa sya ay nakukuha nya. Ang taong parang lahat ng drama sa buhay nasa kanya. Marami syang maling akala. Para syang mga ibon, kung nakanino ang patuka e yun ang lalapitan nya. at dun sya magiging loyal. parehas sila ng ugali nung pangatlo kong kapatid. kaya sila ang nagkakampihan at magkasundo. ano pa nga ba e sila ang nagkakaintindihan e.
Hindi ko ito ginawa kasi para siraan ang iba ko kapatid. Ginawa ko lang to para mailabas lahat ng sama ng loob at mga dinaramdam ko. Wala akong ibang intensyon.